Bilang ng indibdiwal na apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito, higit apat na milyon na — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa pa sa isang milyong pamilya o katumbas ng apat na milyong indibidwal na apektado ng pananalasa ng Bagyong Nika, Ofel, at ng Super Typhoon Pepito ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Batay sa tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am, aabot pa sa higit 50,000 na pamilya o katumbas ng 182,669 na indibidwal ang nananatili sa higit 1,000 evacuation centers.

Mayroon ding 122,000 na indibidwal ang lumikas rin at pansamantalang nakitira sa mga kaanak o kakilala.

Umakyat naman na sa 8,812 kabahayan ang napaulat na totally damaged habang nasa 43,000 ang partially damaged.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng DSWD ng ayuda sa mga apektadong lugar.

Katunayan, aabot na sa higit ₱256.5-million ang halaga ng relief resources na naipaabot nito katuwang ang LGUs at NGOs sa mga biktima ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us