Pumalo na sa 66,200 as of 7 PM ang crowd estimate sa Loyola Memorial Park sa Marikina City at posible pang madagdagan ngayong gabi dahil maraming nag-overnight.
Bukas ang nasabing sementeryo 24-oras ngayong All Saints Day.
Ang bilang na ito ay triple sa dami ng mga dumalaw kahapon na nasa 23,000.
Mabigat din ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue patungo sa Loyola dahil ngayon ang oras ng dagsa ng dating ng mga bumibisita rito.
Halos puno na rin ang parking space sa loob. Nasa 1,500 na mga sasakyan naman ang pinapayagan na makapag-park dito.
Ayon kay Police Major Monico Aliado, ang chief operations ng Marikina Police, wala pa naman naitatalang untoward incident sa naturang sementeryo ngayong Undas. | ulat ni Diane Lear