Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine at Bagyong Leon.
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, umabot na sa 151 ang napaulat na mga nasawi dahil sa Bagyong Kristine.
Sa bilang na ito, 20 ang validated o natukoy na ang pagkakakilanlan.
Habang nasa 134 naman ang nasugatan at 21 ang patuloy pa rin hinahanap hanggang sa ngayon.
Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng pamahalaan kaugnay sa paparating na bagyong Marce.
Sa pulong balitaan sa NDRRMC kaninang umaga, hinikayat ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga update sa social media ng Office of Civil Defense kaugnay sa paparating na bagyo at maging maagap sa pagkilos para sa kaligtasan ng mga apektadong komunidad. | ulat ni Diane Lear