Hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mamamayan na i-report sa kanilang tanggapan ang mga vape shop na nagbebenta ng mga hindi otorisadong vape products.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., na walang binabayarang buwis ang mga vape product na walang BIR Stamps na iniaalok sa mga customer.
Maaaring magdulot din aniya ng peligro sa kalusugan ang gagamit nito, dahil hindi dumaan sa regulatory agency gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), at Philippine Bureau of Product Standards.
Dapat maging mapanuri ang mga mamimili ng vape product at tingnan kung may nakadikit na PS Marking at BIR Seal bilang patunay na legal at dumaan sa regulatory agencies.
Para sa mga nais magsumbong, ipapadala lamang sa email address na [email protected] kalakip ang pangalan ng tindahan, address at kung nabili naman online ay ibigay lamang ang website link. | ulat ni Rey Ferrer