Ibinalita ng Board of Investment (BOI) sa harap ng House Committee on Trade and Industry na umabot na sa 162 projects ang kanilang naiproseso sa ilalim ng green lane.
Ang naturang mga proyekto ay may project cost na P4.4 trillion as of October 2024.
Sa pagtalakay ng komite sa House Bill 8039 o establishing green lanes for strategic investments, binigyang halaga ng BOI ang Executive Order 18 na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagbigay daan para mai-streamline at ma-automate ang pagproseso ng mga permits at licenses ng mga investors sa bansa.
Sinabi ni BOI Governor Marjorie Samaniego, karamihan sa mga naiprocesong mga green lane investment ay sa sector ng renewable energy, digital infrastructure at manufacturing and services.
Nanawagan din ito sa mga mambabatas na iinstitutionalize na ang panukalang batas para sa mas matatag at transparent na business environment upang gawing investment hub ang PIlipinas sa Southeast Asia.
Patunay aniya ang mga pahayag ng ilang foreign investors sa kanilang tanggapan na ang green lanes ay maituturing na “powerful tools” para i-facilitate ang mga investment projects sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes