Hinikayat ng economic team ang ang mga British investor na piliin na mamuhunan sa bansa dahil kayang i-deliver ng Pilipinas ang inaasahang paglago.
Ito ang mensahe ni Finance Secretary Ralph Recto sa Philipine Economic Briefing sa London.
Pagmamalaki ni Recto, walang bansa gaya ng Pilipinas na may potensyal na kayang magpalago ng mga negosyo.
Ayon sa kalihim kabilang sa bentahe ng bansa ang vibrant labor force na may young, well-educated,
at English-speaking workforce.
Ibinida rin ni Recto ang stable political environment, strong economic potential, on-track fiscal consolidation path, healthy external accounts, growing middle class, at ang pagbaba ng inflation sa bansa.
Ang ginanap na PEB sa London ay nagsilbing platform para itampok ang mga inisyatiba ng gobyerno upang paghusayin ang ease of doing business at i-fast-track ang economic progress ng bansa. | ulat ni Melany Valdez-Reyes