BSP at Banque de France, lumagda ng kasunduan para sa currency operations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Banque de France ang isang memorandum of understanding (MOU) patungkol sa pamamahala ng salapi at iba pang aspeto ng central banking sa Philippine Embassy sa Washington, DC.

Ayon kay BSP Governor Eli M. Remolona Jr., kahit marami na ang gumagamit ng electronic money mahalaga pa rin ang pag-isyu ng banknotes at barya bilang bahagi ng tungkulin ng isang central bank.

Dagdag ng BSP Chief, sila ay proud partner ng Banque de France upang mapahusay ang kalidad ng ating salapi dahil sa karanasan nila sa paggawa ng papel na pera at mga patented na security features.

Sa ilalim ng limang-taong MOU, magtutulungan ang BSP at Banque de France sa pagpapalakas ng currency and security management and production, currency demand  forecasting, digital payments governance, research and development on digital payments, banknote substrates at high durability solutions.

Magkakaroon din ng kooperasyon ang dalawang central bank sa pagpapabuti ng teknolohiya, information sharing, staff exchange and training, at pagsusuri ng mga pekeng banknotes. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us