Inaprubahan ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng PIlipinas ang “Guidelines on Operational Resilience” na naglalayong palakasin ang kakayahan ng BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) sa impact ng kalamidad at pagunlad ng teknolohiya.
Ang panuntunan ay makatutulong na matiyak ang financial services sa kabila ng matagal na pagkakaantala ng negosyo gaya nang naranasan sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay BSP Gov. Eli Remolona, mahalaga ang panuntunan dahil sa tumitinding banta sa operasyon ng mga negosyo.
Aniya, kaakibat ito ng pagsisikap ng BSP na palakasin ang financial resilience ng mga individual institutions at ng buong financial system.
Sa ilalim ng guidelines, ipinaguutos ng BSP sa mga BSFIs na i-integrate ang operational resilience sa kanilang governance structures and related risk management and processes.
Kailangan tukuyin din ng BSFIs ang mga kritikal na operasyon kapag ang pagkaantala ay magdudulot ng malaking pinsala sa kanilang mga customers.
Ang mga BSFIs ay kinakailangang magsumite sa BSP ng isang kumpletong self-assesment questionnaire sa loob ng isang taon pagkabisa ng memorandum circular. | ulat ni Melany Reyes