Pinag-aaralan pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung babawasan nila ang produksyon ng mga pera kung sakaling tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng digital transactions sa bansa sa mga susunod na taon.
Ayon kay German S. Constantino, Jr., ang Deputy Director ng Payments Policy and Development Department ng BSP, posible na makaapekto sa paggawa ng mga pera ang patuloy na paglago ng digitalization sa bansa.
Aniya, nakadepende sa magiging resulta sa hinaharap ang desisyon ng kanilang ahensya ukol dito.
Sa pinakahuling datos ng kanilang ahensya, tinatayang nasa 52.8% na sa bansa ang gumagamit ng payment digitalization.
Nakatulong din aniya sa paglago ng ekonomiya ang digitalization dahil napadali nito ang ilang mga transaksyon gaya ng pagbayad ng kuryente, tubig, wifi, at maging sa mga online bank transactions dahil hindi na aniya kailangan pang pumila dito. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay