Nagbuga ng 6,993 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkang Kanlaon sa Negros Islands kahapon.
Bukod dito, naitala ang malakas na pagsingaw ng manaka-nakang abo na umabot sa 800 ang taas at napadpad sa hilagang kanluran at kanlurang bahagi ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na 24 oras, nagparamdam pa ang bulkan ng 31 volcanic earthquakes.
Hindi isinasantabi ng PHIVOLCS ang posibilidad na biglang pumutok ang bulkan kaya’t mahigpit na ipnagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 4.4 earthquake ang Mabini, Davao De Oro kaninang umaga.
Naramdaman ang pagyanig sa San Fernando, Bukidnon; Magpet, Cotabato at Nabunturan, Davao De Oro.
Tectonic ang sanhi ng pagyanig at may lalim na 21 kilometro ang pinagmulan nito. | ulat ni Rey Ferrer