Inilunsad ng Bureau of Treasury (BTr) ang pagpapatupad ng streamlined tax treaty procedure para sa mga non-resident investors ng Government Securities (GS).
Ayon sa BTr ito ay bahagi ng hangarin na makapag-enganyo ng mas maraming foreign investors sa government securities at mapalakas pa ang domestic capital market.
Sa ilalim ng streamlined process, hindi na kailangan pang magsumite ng mga non-resident investors ng maraming tax documentation para makapag-claim ng benepisyo ng tax treaty sa particular na GS income item.
Sa paraan na ito, maiiwasan na ang napakahabang proseso ng pagre-refund ng tax at patong-patong na application sa bawat isang item.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, isa ito sa mga paraan ng gobyerno para palakasin ang Philippine capital market, pag-unlad ng ekonomiya, paglikha ng de kalidad na trabaho, at iangat ang buhay ng mga Pilipino.
Ang streamlined process ay ginawang posible sa pamamagitan ng sistemang ipinatutupad ng National Registry of Scripples Securities (NRooSS). | ulat ni Melany Valdoz-Reyes