Nakatakdang magsagawa ng collapsed structure rescue training ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Davao City.
Ayon kay Rudy Encabo, information officer ng CDRRMO, nasa 40 personnel ang nakatakdang isailalim sa training na pangungunahan ng mga eksperto mula sa AFP at PNP.
Makakatulong umano ang nasabing training para sa dagdag na kaalaman sa kahusayan at taktika na magagamit sa paghahanap, pagpapatatag, at pagkuha sa mga taong na-trap sa gumuhong istruktura gamit ang pinakaligtas at naaangkop na paraan para sa biktima at rescuer.
Maliban sa pagsasanay ng mga personahe ng CDRRMO, nakatakda ring bumili ang opisina ng radar device na maaaring makadetect ng heartbeat ng tao na posibleng nasa ilalim ng gumuhong istruktura. | ulat ni Shiela Lisondra | RP1 Davao