Nasa tinatayang 300 mga opisyal at kinatawan ng National Government Agencies (NGAs), Local Government Units (LGUs), Government-Owned and Controlled Corporations (GOOCs), at academe ang nagtipon tipon ngayong araw sa pag-arangkada ng ikalawang Annual Philippine CERT/CSIRT Conference (CERTCON) 2024 ngayong araw.
Pinangunahan ito ng Cybersecurity Bureau of the Philippine National Computer Emergency Response Team (NCERT/CERT-PH) ng Department of Information and Communications Technology na layong mas patatagin ang cybersecurity posture ng bansa.
Ayon kay DICT Usec. Jeffrey Ian Dy, mahalaga ang kolaborasyon ng ibat ibang sektor para matugunan ang patuloy na cybersecurity threats sa gobyerno at maging sa Critical Information Infrastructure sector.
Aniya, kasama sa tinututukan nila ngayon ang information stealers na nakaapekto na sa 30 government agencies.
Sa pamamagitan ng conference na ito, nais ng DICT na maging mas proactive ang lanat ng sektor tungo sa mas ligtas, inclusive at resilient cybersecurity landscape.
Tampok sa tatlong araw na conference ang ilang aktibidad kabilang ang Philippine National CERT Meeting, CERT-PH Cyber Incident Drill (CCID) o simulation ng real-life incidents para masuri ang kapasidad sa Critical Information Infrastructures (CIIs) at National Cyber Drill (NCD) 2024 na layong turuan ang publiko sa fundamental cybersecurity skills.
May serye din ng workshops, presentations, at interactive sessions kung saan tatalakayin ng mg usapin gaya ng threat intelligence, digital forensics, at security policy development. | ulat ni Merry Ann Bastasa