Chief Presidential Counsel Juan Ponce Enrile, umaasang lalamig na sitwasyong pulitikal sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbahagi si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ng kanyang pananaw tungkol sa nangyayaring tensyon sa political climate ng Pilipinas.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Enrile na dapat nang palamigin ang sitwasyon para sa kapakanan ng ating bansa.

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL JUAN PONCE Enrile: “I think the less we talk about that the better. My God, we are one country, one people. We have to fight our political debates in a very straightforward manner . Let us cool it down, cool it down for the sake of the country.”

Nagpunta ng Senado si Enrile, na dati ring naging Senate President, para tanggapin ang pagkilala ng mataas na kapulungan sa kanya.

Pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution No. 1223 para kilalanin ang serbisyo at kontribusyon ni ‘Manong Johnny’ sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Sa kanyang inihaing resolusyon, pinunto ni Senate President Chiz Escudero na halos animnapung taon na sa pagseserbisyo publiko si Enrile at nakaktulong na sa iba’t ibang aspeto ng bansa.

Nagpasalamat naman si Enrile sa pagkilalang binigay sa kanya ng mga senador.

Pinaalalahanan rin nito ang mga senador tungkol sa mabigat na responsibilidad na dala nila bilang mga kinatawan ng taumbayan at ng bansa.

Nangako rin ito sa mgas mambabatas ng mataas na kapulungan na magiging bukas ang kanyang pinto para bigyan sila ng payo.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us