CICC, susunod sa panawagan ni PBBM hinggil sa Christmas parties

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahandang sumunod ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iwasan ang magarbong selebrasyon ng Christmas parties.

Ayon sa opisina ni CICC Executive Director Alex Ramos, wala pa silang plano hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan.

Nakatutok kasi anila ang kanilang opisina sa budget hearings at pagbibigay serbisyo publiko.

Pero tiniyak ng nasabing ahensya na handa silang tumalima sa panuntunan ng Pangulong Marcos Jr.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us