Iminungkahi ni Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor na bumalangkas na ng isa climate-adaptive calendar upang maiwasang masayang ang pasok ng mga bata sa eskuwela dahil sa sama ng panahon.
Tinukoy ni Tutor ang pahayag ni DepEd Sec. Sonny Angara, na 35 school days na ang nawawala dahil sa kanselasyon ng klase dahil sa bagyo.
Dahil dito, panahon na aniya ikonsidera ang pagkakaroon ng ibang school calendar na makakasabay sa nagbabagong climate pattern.
Mungkahi ng lady solon, i-maximize ang January hanggang kalagitnaan ng July para sa in-person classes, kung saan maging ang Sabado ay may pasok.
Magpapatupad naman ng ibayong pagiingat para sa mga outdoor activity pagsapit sa kalagitnaan ng Marso hanggang kalagitnaan ng Mayo.
Kailangan din aniya ng makabagong pamamaraan ng pagpapatayo ng mga eskuwelahan para mas maging resilient mula sa hagupit ng bagyo at mga pag-baha. | ulat ni Kathleen Forbes