Command Center ng DSWD, naka-deploy na sa Aurora

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapakinabangan ngayon ng mga residente sa Aurora ang Mobile Command Center (MCC) na idineploy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon sa mga apektado ng bagyong Nika.

Partikular na ipinadala ang Command Center sa Dilasag, Aurora, na wala pa ring kuryente sanhi ng pinsalang dala ng nagdaang bagyo.

Ginagamit ng mga residente ang libreng kuryente sa MCC para sa pag-charge ng kanilang mga gadgets at flashlight, pati na rin ng libreng internet connection.

Sa pamamagitan ng MCC, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga residente na makontak ang kanilang mga kamag-anak at makakuha ng mga update tungkol sa lagay ng panahon.

Una nang nagpadala ng karagdagang food packs ang DSWD sa lalawigan para matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng bagyo.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us