Welcome sa Joint Foreign Chamber of the Philippine (JFC) ang pagsasabatas ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE .
Sa statement na inilabas ng JFC, layon anila ng batas na palakasin ang global position ng Pilipinas bilang competitive market para sa investments at business expansion.
Makatutugon din anila ang bagong batas para sa kinakailangang pagrepaso at pagrebisa ng investment incentive policies ng bansa upang ilinya ito sa international standards.
Bilang tagasuporta ng panukala, pinuri nito ang Philippine government sa pagtahak ng pinakamahalagang hakbang na magtutulak sa ekonomiya.
Dagdag pa ng JFC, kabilang sa probisyon ng CREATE MORE Act ang pagtatatag ng simplified Value-Added Tax (VAT) refund system at clarified VAT regime para sa mga rehistradong negosyo. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes