Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng corporate recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy para sa local and international business at sambayanan.
Ayon kay Recto, bibigyang daan ng CREATE MORE Act na maging globally competitive, investment-friendly, predictable at accountable ang incentive regime ng bansa.
Aniya, magbubukas din ito ng high-impact investments mula sa international at domestic enterprises na siya naman magdudulot ng multiplier effect sa pagkakaroon ng de kalidad na trabaho, mas mataas na kita at mabawasan ang kahirapan.
Dagdag ng kalihim, dahil tuluyan nang batas ang CREATE MORE, asahan ang pagpasok ng mas maraming investors sa bansa gayundin ang partnerships at joint venture.
Napapanahon aniya ang paglagda ng pangulo sa bagong batas para sa mga foreign investors na nagpahayag ng kanilang naisin na mamuhunan sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes