Tinukoy ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang ipinatupad na fiscal policy ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siyang dahilan para sa pinakahuling credit outlook upgrade ng S& Global Ratings para sa Pilipinas.
Binigyan ng credit rating agency ang Pilipinas ng BBB+ o positive outlook.
Paliwanag ni Salceda nakatulong ang pagpapasa ng Digital Economy Taxation Act, at CREATE MORE para mapalawig ang fiscal space ng bansa.
Malaking bagay din ani Salceda ang magandang relasyon ng Pangulo sa labor at business sector.
“In other words, this development is directly attributable to President Marcos’s responsible approach to fiscal policy, and Congress’s efforts to enact fiscal reform. It is also due to President Marcos’s harmonious relationship with both labor and business, and to his reaffirmation of our role in international markets and in the multilateral sector.”
Kumpiyansa rin ang economist solon na itataas pa ng tatlong pinakamalalaking credit rating agency sa mundo ang credit rating ng Pilipinas sa level A, kung mapagtitibay na rin ang mining fiscal reform at Capital Markets Efficiency Promotion Act.
Paliwanag pa ni Salceda na ang upgrade na ito ay magreresulta sa mas mababang borrowing interest rates. | ulat ni Kathleen Forbes