Aprubado na sa Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment o ang pagkakatalaga sa pwesto ni Civil Service Commission (CSC) chairperson Marilyn Barua-Yap.
Itinalaga si Barua-Yap bilang kapalit ni dating CSC chairman Karlo Nograles.
Nakatakdang mag-expire ang termino ni Barua-Yap sa February 2, 2029.
May tatlumpu’t siyam na taong naging public servant si Barua-Yap.
Una na siyang nagsilbi bilang kauna-unahang babaeng secretary-general ng Kamara noong 14th Congress at patuloy na nagsilbi bilang House sec-gen noong 15th at 16th Congress.
Sa naging CA committee hearing, kabilang sa mga natanong sa bagong CSC chairperson ang opinyon nito tungkol sa panukalang ibaba sa 56 years old ang retirement age sa gobyerno.
Ayon kay Barua-Yap, mas nais niyang panatihilin na lang ang retirement age sa gobyerno na 60 kung optional at 65 naman ang mandatory retirement age.
Paliwag ng opisyal, may opsyon naman ang mga civil servant na magretiro sa mas maagang edad o kaya ay sagarin ang mandatory retirement age.
Pinunto rin ni Barua-Yap na limitado lang ang resources ng pamahalaan at maaaring maapektuhan nito ang abilidad ng gobyerno na mabayaran ang retirement ng iba pang government employees.
Kailangan pa aniya ng actuarial study tungkol sa panukalang ito.| ulat ni Nimfa Asuncion