Dahil sa pagpasok ng Severe Tropical Storm #NikaPH,
inalerto na ng Department of Agriculture (DA) ang mga posibleng maapektuhang magsasaka at mangingisda.
Pinapayuhan sila ng DA na anihin na ang mga mature crops at ilagay sa ligtas na lugar ang mga buto at binhi, planting materials at iba pang farm inputs.
Kailangan din nilang magtabi ng pagkain at tubig para sa mga hayop at linisin na ang mga drainage sa irigasyon upang maiwasan ang pagbaha.
Para sa mga mangingisda, kailangan din nilang ilagay sa ligtas na lugar ang kanilang bangkang pangisda at iwasan na ang pumalaot.
Tiniyak naman ng DA ang kanilang kahandaan sa epekto ng bagyo.
Binuhay na rin ang DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Information Operation Centers sa Regional Offices na maapektuhan ng bagyo.
Simula ngayong araw hanggang bukas, may mararamdaman nang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.| ulat ni Rey Ferrer