Isang Consultative Council ang target na itatag ng Department of Agriculture (DA) para mas epektbong tugunan ang mga isyung kinahaharap ng sektor ng pagsasaka.
Sa taunang pagpupulong ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI), sinabi ni Secretary Francisco Tiu Laurel na ang mga konseho ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa DA, pribadong sektor, magsasaka, at iba pang mahalagang stakeholders.
Ayon pa sa kalihim, nais nitong agad na maging operational ang konseho sa Enero ng susunod na taon at magkaroon ito ng buwanag pagpupulong kung saan kabilang sa pangunahing tatalakayin ang major crop kada buwan.
Inaasahan ding magtutulungan ng bubuuing council ang pagbuo ng mga polisiya na direktang tutugon sa mga suliranin ng sektor, at magtataguyod ng modernisasyon sa agrikultura, at pagpapa-angat ng produksyon.
Naniniwala si Sec. Tiu Laurel na sa tulong ng mga consultative councils, mas mapapatatag ang sektor ng agrikultura sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa