DA, naglaan ng higit ₱800-M agri inputs para sa mga sakahang apektado ng bagyong Marce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa ₱866.34-million ang halaga ng agricultural inputs na nailaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga sakahan sa Ilocos at Cagayan Valley Region na naapektuhan ng bagyong Marce.

Kabilang sa agricultural inputs na ipinamamahagi na ng DA ay para sa dry season crops gaya ng bigas at mais at fertilizer discount vouchers.

Mayroon ding livestocks kabilang ang native chicken at muscovy duck na mula sa iba’t ibang Regional Field Offices ng kagawaran.

Bukod pa ito sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Indemnification para sa mga magsasakang insured sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Sa pinakahuling assessment ng DA, ₱277.75-million ang halaga ng pinsalang inabot ng agricultural sector bunsod ng bagyong Marce. Katumbas ito ng higit 15,000 ektarya ng lupaing sakahan at 9,933 na mga magsasaka.

Patuloy namang nakaalerto ang DA sa posibleng epekto ng bagyong Nika sa sektor, lalo na sa Northern Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us