DA, patuloy pa ang monitoring sa pinsala ng bagyong Nika sa agri sector

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakatutok ang Department of Agriculture (DA) sa epekto ng bagyong Nika sa mga sakahan lalo na sa Northern Luzon.

Ayon sa DA, sa ngayon ay wala pa itong naitatalang pinsala ng bagyo sa agriculture at fisheries sector.

Ongoing pa rin naman ang monitoring at assessment sa aktwal na sitwasyon sa mga rehiyong dinaanan ng bagyo.

Nagsasagawa na rin ang DA ng price monitoring para sa posibleng adjustment sa presyo ng agricultural commodities at inihahanda na ang KADIWA trucks bilang logistical assistance para makapaghatid ng mga produkto.

Ayon pa sa DA, naka-standby na ang mga ipapamahaging agricultural inputs para sa mga maapektuhang magsasaka.

Gayundin ang ₱25,000 na halaga ng loan sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at indemnificationmula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us