Isinusulong ni Sen. Nancy Binay na magkaroon ng dagdag na pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund o ang tinatawag na Calamity Fund.
Sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang 2025 National Budget, binigyang-diin ni Binay na kailangan ito para matugunan ang problema sa disaster preparedness, recovery at rehabilitation.
Giit ng senadora, halos limang taon nang nasa P20 billion pa rin ang annual budgey para sa NDRRM Fund.
Ito ay sa kabila ng lagi tayong dinadaanan ng mga bagyo.
Sa ilalim ng kasalukuyang budget, naaa P22.735 billion ang kabuuang budget pata sa NDRRM Fund.
Sa pondong ito, 82 percent o nasa P18.8 billion na ang nare-release.
Hanggang nitong Setyembre, nasa P3.921 billion ang nananatili pa sa Department of Budget and Management (DBM).| ulat ni Nimfa Asuncion