Dagsa ng mga pasaherong pabalik ng Maynila, ramdam pa rin sa mga terminal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam pa rin sa terminal ng Victory Liner at Superlines sa Cubao, Quezon City ang pagdagsa ng mga biyaherong pabalik na ng Maynila matapos lumuwas sa probinsya nitong Undas.

Ayon kay Edcel Lozano Gadingan, Terminal Master, kada 10 minuto ang dating ngayon ng mga bus na galing probinsya. Lahat ng mga ito ay fully booked aniya nang umalis sa mga terminal sa Baguio, Zambales, at Pangasinan.

Aniya, kahapon pa naramdaman sa terminal ang bugso ng mga pasaherong pabalik na ng Maynila.

Samantala, mabigat ang daloy ng trapiko sa Edsa Cubao sa Quezon City, partikular na sa southbound.

Ayon sa mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bukod sa mga pabalik ng National Capital Region (NCR), nakadagdag din sa mabagal na daloy ng trapiko ang volume ng sasakyan dahil may pasok na ulit sa trabaho. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us