Dalawang inaprubahang flood control project, makatutulong ng malaki upang maibsan ang pagbaha sa NCR at CALABARZON — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang gagampanang papel ng dalawang inaprubahang flood control projects ng NEDA Board upang maibsan ang pagbaha sa Metro Manila gayundin sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon).

Ito’y makaraang payagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nakalipas na NEDA Board Meeting ang Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRMP) at ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project, Phase IV.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sakaling makumpleto ay makapagbibigay ang dalawang nabanggit na proyekto ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha tuwing may malalakas na bagyo at magkakasunod sa nagbabagong rainfall patterns.

Nagkakahalaga ng mahigit ₱22 bilyon ang Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project at inaasahang makukumpleto sa Setyembre ng 2029.

Habang ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project, Phase IV ay nagkakahalaga ng mahigit ₱57 bilyon at inaasahang matatapos sa Marso ng 2031. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us