Isang makabagong inisyatiba ang inilunsad ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), kaagapay ang Don Mariano Marcos Memorial State University at ang University of the Philippines Visayas, upang mapabuti ang paghahanda sa mga sakuna sa Pilipinas.
Ang DANAS (Disaster Narratives for Experiential Knowledge-based Science Communication) Project ay lumikha ng serye ng mga sourcebook tungkol sa lindol, tsunami, at pagsabog ng bulkan. Natatangi ang mga sourcebook na ito dahil isinalin ang mga ito sa iba’t ibang lokal na wika, kabilang ang Cebuano, Hiligaynon, Kapampangan, at Tagalog. Layunin nitong mapunan ang puwang sa komunikasyon sa pagitan ng impormasyong pang-agham at mga komunidad, tinitiyak na ang mahahalagang impormasyon ay madaling ma-access at mauunawaan ng lahat.
Inilabas ang mga bersyon sa Cebuano at Hiligaynon ngayong araw, November 28, 2024, sa Cagayan De Oro City.
Dinaluhan ito ni DOST Sec. Renato U. Solidum Jr., DOST-PHIVOLCS Dir. Teresita C. Bacolcol, Deputy Director ng DOST-PHIVOLCS Dr. Ma. Mylene M. Villegas, at Supervising SRS ng DOST-PHIVOLCS Jeffrey S. Perez. | ulat ni Dinaluhan ito ni DOST Sec. Renato U. Solidum Jr., DOST-PHIVOLCS Dir. Teresita C. Bacolcol, Deputy Director ng DOST-PHIVOLCS Dr. Ma. Mylene M. Villegas, at Supervising SRS ng DOST-PHIVOLCS Jeffrey S. Perez. | ulat ni Theza Orellana | RP1 Cagayan de Oro