Hindi muna inimbitahan ng Quad Committee sa kanilang pag-dinig bukas, November 27 ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers, ang tatalakayin sa ika-12 hearing ng Quad Comm ang isyu ng iligal na droga at POGO.
At dahil ang dating pangulo ay resource person sa usapin ng EJK, ay hindi siya kailangan humarap.
Umaasa naman si Barbers na makadalo bukas ang kasamahang si Davao City Rep. Paolo Duterte at bayaw nito na si Atty. Mans Carpio.
Matatandaan na sa uang pag-dinig ng Quad Comm noong Agosto sinabi ng dating customs intelligence office na si Jimmy Guban na may kaugnayan ang dalawa sa illegal drug trade.
Nagpadala naman noon ng liham si Duterte na nais niyang makibahagi sa pag-dinig ng komite para matanong din ang mga resource person.
Iimbitahan din muli ng komite si Alice Guo.
Isa sa inaasahang matatalakay naman sa usapin ng POGO ay ang kaniyang pagiging Chinese spy. | ulat ni Kathleen Forbes