Dating Pangulong Duterte, pinanindigan ang pahayag sa Senado na siya ang responsable sa mga naganap sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga naganap sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang administrasyon.

Sa interpelasyon ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, tinanong nito ang dating punong ehekutibo kung tinitindigan niya ang nauna niyang pahayag sa Senado.

Diin ni Duterte, aakuin niya ang mga naging aksyon ng law enforcers naa ipinatupad ang war on drugs noong kaniyang administrasyon.

“Since I was a President, and there was this until now, serious problem about drugs. I had to issue or make a policy statement about drugs. At all that happened, yung nangyari pursuant to my order to stop the drug problem in this country. Akin yun. Akin na akin yun. Ako ang nagbigay ng order ke, ginawa nila illegal or legal akin yun. I take full reponsibility for it.” giit ni Duterte

Nang tanungin ni Brosas ang dating Pang. Duterte kung handa ba itong makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Crimina Court (ICC), sinabi ng dating punong ehekutibo na bilisan ng ICC ang pag-iimbestiga.

Hamon pa niya na pumunta ang ICC sa bansa bukas para umpisahan ang imbestigasyon laban sa kaniya.

At kung mapatunayan aniya na mayroon siyang sala ay handa siya makulong.

Sa huli, nanindigan si Duterte, na ipinatupad lang niya ang naturang polisiya sa war on drugs para protektahan ang bansa mula sa iligal na droga.

“I’m asking the ICC to hurry up and if possible they can come here and start investigation tomorrow. This issue has been left hanging for so many years. Matagal ma’m baka mamatay na ako hindi na nila ako mag-imbestiga[han]. So I’m asking the ICC through you, na pagpunta na sila dito bukas, upisahan na nila ang investigation. And if I am found guilty, I will go to prison and rat there for all time.” Sabi ng dating pangulo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us