Dating Pangulong Duterte, umamin na nakapatay na ng 6 o 7 kriminal noong siya ay alkalde pa ng Davao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay na ito ng anim o pitong kriminal noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

Ginawa ng dating pangulo ang pahayag sa kanyang pagharap sa House Quad Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyong libo-libong extrajudicial killings, na may kaugnayan sa war on drugs.

Sa interpelation ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, tinanong nito ang dating pangulo kung siya ba ay nakapatay na ng tao.

Samantala ayon sa dating pangulo, siya ang may full responsibility sa lahat ng nagawa ng pulis na sumunod na sa kanyang atas, bagay na kinontra naman ni dating Sen. Leila de Lima, na hindi ibig sabihin na kung aakuin ng dating pangulo ang responsibilidad sa pagpatay ay abswelto na ang mga ito. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us