Sumama na si dating Senator Leila de Lima sa mga pangunahing personalidad na naglunsad ng ‘Duterte Panagutin’ Campaign Network.
Ang campaign network na ito ay binubuo ng iba’t ibang civil society group na naghahangad ng katarungan at hustisya kaugnay sa mga pang-aabuso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, noong siya ay nasa kapangyarihan.
Sabi ni De Lima, dapat lamang papanagutin ang dating Pangulo dahil sa sobrang dami ng mga paglabag nito sa karapatang pantao.
Sa unity statement ng grupo, hiningi nila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na gawin nito ang tama at nararapat para mapanagot sa batas ang dating presidente.
Umaapela din ang ‘Duterte Panagutin’ Campaign Network sa International Criminal Court, na madaliin na ang paglilitis kay Duterte upang mabigyan ng katarungan ang mga pinatay at inabuso noong kanyang kapanahunan. | ulat ni Michael Rogas