Delagasyon ng Cambodia, nasa bansa para sa study visit ng excise tax ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Winelcome ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga delegado na mula sa Royal Government of Cambodia.

Nasa bansa ngayon ang Cambodian delegation para sa kanilang tatlong araw na excise taxation system study visit mula November 12 hanggang November 16, 2024.

Layon ng study visit na magbigay ng insights sa delegasyon ng Cambodia sa mga makabuluhang reporma ng Pilipinas sa excise taxation, para sa mga produktong tabako, sweetened beverages at alcohol products.

Ang naturang mga buwis ay suporta sa healthcare ng mga Pilipino.

Ang delegasyon ng Cambodia ay binubuo ng 26 na kalahok na pinamumunuan ng undersecretary ng Ministry of Health at Deputy Director General mula sa General of Policy. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us