Aabot sa P4.6-M halaga ng lumber ang ipinaabot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 para sa pagsasaayos ng mga eskwelahan at tahanang napinsala ng sunod sunod na kalamidad sa Batanes at Cagayan.
Nasa higit 4,700 piraso ng wood lumber materials ang inihatid sa Provincial Local Government ng Batanes para sa repair ng mga bahay sa Basco, Itbayat, Ivana, Mahatao, Sabtang, at Uyugan na nasira ng Typhoon Julian.
Habang nasa 1,000 lumber naman ang tinanggap ng Department of Education (DepEd) sa Cagayan province.
Ayon kay DENR 2 Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, ang mga ibinigay na lumber materials ay mula sa mga nakumpiskang forest products na mayroon nang Orders of Finality at nasa kustodiya ng DENR.
Ipinunto naman ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang kahalagahan ng whole-of-government approach para sa agarang pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad.
“Despite the challenges posed by successive typhoons, we were able to mobilize our resources and work with our partners to provide the much-needed aid to typhoon victims”. | ulat ni Merry Ann Bastasa