Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang pangangailangan ng mas matatag na educational planning upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng mga pagbabagong klima.
Ginawa ni Secretary Angara ang pahayag sa ginanap na UNESCO-IIEP Regional Conference on Educational Planning in Asia.
Ayon kay Angara, dapat na mabilis na mag-adapt ang sistema ng edukasyon kahit sa panahon ng kalamidad.
Kaugnay nito, inilunsad ng DepEd ang Dynamic Learning Program upang suportahan ang tuloy-tuloy na edukasyon sa mga paaralang naapektuhan ng mga Bagyong Kristine at Leon sa pamamagitan ng pagsusulong ng independent at resource-efficient na pag-aaral sa panahon ng krisis.
Binigyang-diin din ni Angara ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga karatig-bansa, upang makabuo ng mga estratehiya para gawing mas accessible at responsive ang sektor ng edukasyon sa kasalukuyang mga hamon. | ulat ni Diane Lear