DepEd, nanindigan sa patas at transparent na proseso ng bidding para sa mga proyekto ng kagawaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa patuloy na pagpapanatili ng transparency at accountability, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang pangako ng Department of Education (DepEd), na gawing patas at bukas sa publiko ang lahat ng proseso ng procurement at bidding.

Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 61, series of 2024, tiniyak ng ahensya na ang mga bidding activity ay sumusunod sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Ayon kay Secretary Angara, bibigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng suppliers at contractors na lumahok sa bidding upang makuha ng DepEd ang pinakamahusay na serbisyo at mga produkto para sa mga paaralan.

Dagdag pa rito, binalaan ng DepEd ang sino mang opisyal o kawani ng kagawaran na mapapatunayang sangkot sa mga iligal na aktibidad sa procurement process, na maaari silang patawan ng parusa at disciplinary action kabilang ang pagkakatanggal sa serbisyo.

Hinihikayat din ni Secretary Angara ang publiko, na i-report ang ano mang impormasyon ukol sa posibleng iligal na aktibidad sa procurement sa pamamagitan ng email address na [email protected]. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us