DHSUD at PIA, magtutulungan para sa makakatotohanang impormasyon at labanan ang fake news

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalakasin pa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang paghahatid ng makatotohanang impormasyon sa publiko na may kinalaman sa pabahay at paglaban sa fake news.

Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan na ng DHSUD at Philippine Information Agency (PIA) para palakasin ang kanilang partnership ukol dito.

Photo courtesy of Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)

Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, na napakahalaga na tama at totoong impormasyon ang makakarating sa publiko upang malaman na may gobyerno na handang umagapay sa kanilang pangangailangan kasama ang pabahay.

Aniya, usong-uso ang fake news ngayon na dapat labanan para hindi malinlang ang taumbayan.

Nangako naman si PIA Director General Kat De Castro, na magbibigay ng access sa DHSUD Media at Communications Team sa iba’t ibang mga programa sa pagbuo ng kapasidad ng PIA.

Naghayag din ng kahandaan ang PIA na makipagtulungan sa DHSUD Regional Offices, para maiparating sa publiko ang pinakabagong mga pag-unlad sa Human Settlements at Urban Development Sector.

Sa ilalim ng MOU, susuportahan din ng PIA ang iba pang Communications at Media Initiatives ng DHSUD, sa pamamagitan ng Strategic Communications and Public Affairs Service nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us