DICT, may paalala para di mabiktima ng love scams ngayong magpa-Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko lalo na ang mga malalamig ang Pasko sa mga scam na posibleng mambiktima sa kanila.

Ayon kay DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso, mas madalas na biktima ng online scammers ang mga naghahanap ng pag-ibig sa Kapaskuhan.

Para maiwasan ito, pinayuhan ng DICT ang publiko na maging mapagduda at mapagmatyaga sa mga posibleng scammer na nagpapanggap na lover.

Mas makakaigi rin daw kung susuriing mabuti ang social media account ng potential scammer dahil mula dito ay malalaman mo na kung inii-scam ka ba o hindi.

At kung ikaw ay nabiktima na ng scammer, maari itong i-report sa hotline ng DICT kontra scam sa numerong 1326.

Umaasa ang ahensya na magiging mas matalino at mapanuri na ang mga Pinoy ngayon at hindi basta-basta magpapabiktima sa mga scammer.

“Itong panahon na ito, yung mga scammers prey on two things greed and loneliness ng ating mga kababayan, so yung ating mga kababayan na malalamig ang Pasko walang ka-partner, ka-celebrate ngayong holiday season, doon pumapasok ang mga scammers so a lot of form of love scams happen,” babala ni Paraiso. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us