Pinaghahanda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) na maapektuhan ng Bagyong #PepitoPH.
Hinimok ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga LGU na ipatupad ang pre-emptive at forced evacuation protocols partikular sa mga lugar na may banta ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, storm surge, at iba pang panganib.
Sa isang memorandum sa Luzon at Visayas LGUs, inatasan ng Kalihim ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na suportahan ang LGUs sa pagpapatupad ng forced evacuation efforts.
Dapat aniyang kilalanin at ihanda ng mga LGU ang mga evacuation center para sa mga maapektuhan ng kalamidad.
Hinimok din ang mga LGU na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa kani-kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon sa PAGASA, maaaring umabot ang bagyo sa kategoryang Super Typhoon bago mag-landfall ngayong weekend.
Maaaring magdulot ito ng malakas na pag-ulan kasama ng moderate to high risk storm surge sa ilang lugar sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer