Inalerto na ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga Local Government Unit sa Cordillera Administrative Region, Regions 1 at 2 sa pagpasok ng Bagyong ‘Ofel’.
Sa kanyang kautusan, hinimok ni Remulla ang lahat ng concerned local government units na tiyaking maging alerto ang emergency response teams, at rescue units sa pagtugon sa emergency situations.
Pinayuhan na rin silang ihanda ang mga rescue equipment at relief goods sa mga strategic locations para sa mabilis na deployment at pagtukoy sa flood and landslide-prone areas.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Remulla ang CAR, at Regions 1 at 2 dahil napanatili nito ang “zero-casualty” sa nagdaang Bagyong Nika hanggang kaninang tanghali. | ulat ni Rey Ferrer