Tiniyak ni Department of Migrants Workers Sec. Hans Leo Cacdac ang tulong ng kanyang kagawaran sa mga biktima ng nagdaang bagyo sa Northern Luzon.
Ginawa ni Cacdac ang pahayag sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle.
Ayon kay Cacdac na isang proud Ilocano, batid niya ang sinapit ng kanyang mga kababayan sa sunod-sunod na bagyo kaya nangako ito ng tulong.
Aniya, hindi lamang ito para sa mga biktima ng bagyo sa Northern Luzon, maging sa mga lugar na labis na sinalanta ng mga bagyo.
Samantala, nagbigay naman ng update ang kalihim sa mga congressman ng Norte ng kanilang mga nakalinyang plano sa 2025 kabilang na ang pagpapatupad ng P2.8 bilyong halaga ng action fund sa mga OFW at kanilang mga pamilya.
Sinabi rin niya ang kaniyang plano na magkaroon ng iba pang OFW monument sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang pagkilala sa ambag at pagsasakripisyo ng mga bagong bayani — sakto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may matatag na suporta sa mga OFW.
Sa ngayon kasi ay may nag-iisang OFW monument na nakatatag sa Laoag City. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes