DOF, ADB, lumagda ng kasunduan para sa Laguna Lake Road Network Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng kasunduan ang Department of Finance (DOF) at Asian Development Bank (ADB) para sa makabagong proyekto ng road network na magpapalakas ng climate resilience ng mga taga-Laguna.

Ang Laguna Lake Road Network Project ay magtatayo ng 37.5 kilometer climate resilient expressway sa Laguna Lake.

Bukod sa hangarin na maibsan ang trapik, makatutulong din ito sa mga taga-Laguna na karaniwang biktima ng pagbaha.

Ang proyekto ay inaasahang magpapalakas ng ekonomiya sa isa sa pinakamalaking probinsya sa bansa at magpapabilis ng pag-unlad sa buong CALABARZON Region.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, titiyain ng DOF na napupunta ang bawat piso na mga taxpayers sa mga proyekto ng pangmatagalan na pakikinabangan ng susunod na henerasyon.

Popondohan ng ADB ang konstruksyon ng 29.56 km na bahagi ng expressway sa pamamagitan ng financing agreement na $1.70 billion o ₱95.05 billion gamit ang multi tranch financing. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us