Binigyang diin ng Department of Finance ang kahalagahan digitalization, sustainability at diversification upang pasiglahin ang negosyo at ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni DoF Revenue Operations Group Undersecretary Charlito Martin Mendoza sa 6th Financial Executives Institute of the Philippines (Finex) Cebu Summit, ang mga pundasyon at patakaran para sa katatagan ng pagnenegosyo.
Ang Finex ay isang non-profit na organisasyon na kinikilala bilang pinakamataas na samahan ng mga senior finance professional sa bansa.
Inilahad ni Usec. Mendoza na nakahanay sa tatlong pangunahing haligi ang digitalization upang mabawasan ang aberya, dagdagan ang transparency at pagbutihin ang kahusayan upang makalikom ng kinakailangang pondo para sa pampublikong proyekto at tiyakin ang patas na operasyon ng mga legitimate business.
Ang sustainability para sa climate resilience and recovery at ang diversification para sa pagpapabuti ng sistema at operasyon. | ulat ni Melany Reyes
📷 FINEX