Doble kayod na ngayon ang Department of Health (DOH) sa pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit para magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga buntis, senior cetizens, may malala ng karamdaman, at may mga kapansanan.
Ito ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ang mga sangay ng gobyerno ng mas maagang paghahanda tuwing may kalamidad.
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, double time na ang mga kawani ng DOH para mailipat sa mga Health facilities ang mga buntis, may malalang karamdaman, mga senior citizens, at may mga kapansanan.
Ang paghahanda na ito ay dahil sa banta ng bagyong Nika na posibleng manalasa sa Luzon anumang araw mula ngayon.
Prayoridad, aniya, ngayon ng mga ospital na i-admit ang mga nabanggit na sektor upang hindi na makadagdag sa alalahanin ng mga Rescuers kapag nanalasa na ang bagyo. | ulat ni Mike Rogas