Buo ang suporta ng Department of Justice (DOJ) sa bagong talagang hepe ng National Prosecution Service.
Ito ay kasunod ng pagpili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay Prosecutor Richard Anthony Donayre Fadullon bilang bagong prosecutor general.
Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento na nagbitiw noong nakaraang buwan.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tiwala siya sa kakayanan at karanasan ni Fadullon na maiangat pa ang justice system sa bansa nang walang takot at puno ng integridad.
Nagtapos ng abogasya si Fadullon sa San Beda College noong 1987 at nagsilbing prosecutor si Fadullon sa loob ng 30 taon o mula pa noong 1994.
Bago i-appoint bilang prosecutor general, si Fadullon ay nagsilbing senior deputy state prosecutor sa loob ng ilang taon. | ulat ni Mike Rogas
📸 DOJ