Magpapadala pa ng family food packs sa Basco, Batanes ngayong umaga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aabot sa 8,000 food packs ang ihahatid sakay ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard.
Nilalayon nito na mapalakas ang disaster response ng ahensya sa Island Province.
Asahang darating sa lalawigan ang tulong sa Nobyembre 12 o 13.
Pagtitiyak pa ng DSWD na mahigpit nilang babantayan ang kalagayan ng mga residente sa lalawigan para sa karagdagan pang tulong. | ulat ni Rey Ferrer