DSWD Chief, ipinag-utos ang paglalatag pa ng maraming food packs para sa Northern Luzon sa gitna ng bagyong Ofel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinadadagdagan pa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglalatag ng maraming family food packs (FFPs) sa Northern Luzon habang may banta pa ang bagyong Ofel.

Napansin ni Secretary Gatchalian, na magkatulad ang track ng bagyong Ofel at Pepito sa dinaanan ng bagyong Nika, na nagdulot ng pinsala sa Lalawigan ng Aurora sa Region 3, at Isabela at Cagayan sa Region 2.

Magpapatuloy aniya, ang prepositioning ng family food packs sa Northern Field Offices hanggang sa Nobyembre 19.

Inatasan nito ang National Logistic and Resources Management Bureau (NLRMB) ng DRMG’s na makipagtulungan sa Philippine Air Force (PAF) at Philippine Coast Guard (PCG), para maghatid ng tulong sa Batanes.

Iniulat ng NLRMB, na ngayong araw dalawang beses na naghatid ng food packs ang C-130 cargo plane ng PAF patungong Batanes.

Isa pang C-130 plane ang nakatakdang maghatid ng karagdagang 800 FFPs sa Basco, Batanes sa Huwebes. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us