Hiniling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ang kanilang pondo na nagkakahalaga ng ₱875 milyon para gamiting Quick Response Fund.
Ayon sa DSWD, ito ay upang magtuloy-tuloy ang kanilang pagtugon sa mga pamilyang apektado ng sunod-sunod na kalamidad.
Ayon kay DSWD Disaster Response Management Group Director, Assistant Secretary Irene Dumlao, inaasahan nilang maibibigay ng DBM ang kanilang hirit na pondo sa susunod na linggo.
Sa ngayon aniya, mayroong 1.3 milyong family food packs ang naka-standby sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang mayroon din ilang standby fund na nagkakahalaga ng ₱107 milyon.
Binigyang-diin ni Dumlao na mahalagang mapanatili ang pondo ng kagawaran upang makabili agad ng mga pagkaing maipamamahagi sa mga apektado ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala