Naka-deploy na ang Mobile Command Center ng Department of Social Welfare (DSWD) sa lalawigan ng Samar.
Ayon sa DSWD Eastern Visayas Field Office 8, bilang paghahanda na ito sa paparating na Bagyong #PepitoPH.
Isa ang lalawigan ng Samar ang tinutumbok na daanan ng bagyo katunayan nakataas na ang typhoon signal sa lalawigan ng Samar.
Nais makasiguro ang ahensya ang tuloy-tuloy at maaasahang komunikasyon sa sandaling maramdaman na ang epekto ng paparating na bagyo .
Ang MCC ay may advanced satellite communication systems na ginagamit para mabilis na mangalap ng impormasyon at makipag-
ugnayan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga maapektuhan ng sama ng panahon.
Batay sa ulat ng PAGASA, posibleng mag-landfall si bagyong Pepito sa Catanduanes sa pagitan ng Sabado ng gabi hanggang madaling araw ng linggo.| ulat ni Rey Ferrer